Tumaas pa ang bilang ng mga senior Democrats ang nagpahayag ng supporta kay US Vice President Kamala Harris para sa pagtakbo sa pagkapangulo ng US.
Kasunod ito sa naging desisyon ni US President Joe Biden na umatras na lamang dahil sa panawagan ng maraming mga kapartido nito.
Maging ang mga Democrats donors ay nagpahayag ng suporta kay Harris kung saan sinabi ng mga ito na hindi masasayang ang kanilang mga perang donasyon.
Ilan sa mga malalaking tao na nagpahayag ng suporta kay Harris ay sina dating Democratic presidential nominee Hillary Clinton, dating President Bill Clinton at dating Secretary of State John Kerry.
Maging sina Massachusetts Senator Elizabeth Warren, at Minnesota Senator Amy Klobuchar ang mga mambabatas na tumakbo laban kay Biden para sa kaniyang nominasyon noong 2020 ay nagpahayag ng suporta kay Harris.
Una ng sinabi ni Harris na handa na itong tanggapin ang hamon at kayang-kaya niya umano talunin si dating US President Donald Trump.