-- Advertisements --
Dumami pa ang bilang ng mga gumagamit ng digital payments sa bansa.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) dahil ito sa ipinatupad ng saftey protocols bunsod ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na naabot ng bansa ang target nitong 20 percent digital transaction sa 2020.
Umabot kasi sa 20.1 percent ang monthly payment volume noong 2020 ay isinagawa sa pamamagitan ng digital.
Isa ang digital payment sa magandang dulot ng pandemic dahil sa naging ligtas at madali na sa mga tao ang mga transaksyon.