-- Advertisements --
Kinokonsidera nang drug-free ng Philippine Drug Enforcement Agency ang aabot sa 27,748 na mga barangay sa bansa.
Ayon sa ahensya , tinatayang aabot na lamang sa 7,785 na barangay ang mayroong presensya ng iligal na droga.
Sa kasalukuyang datos ng PDEA, P23.62 billion ang kabuuang halaga ng mga ilegal na droga ang nakumisya ng kanilang ahensya mula Hulyo 1, noong nakaraang taon hanggang Agosto 31, 2023.
Kasama na rito ang nasabat na shabu na mayroong 3,173.57 kilo, 25.78 kilo (cocaine), 43.940 kilo(ecstasy) at 2,739.93 kilo (marijuana)
Ang mga ito ay nagmula sa mahigit 44,000 na mga anti -drug operation ng PDEA.
Umakyat naman sa 4,174 ang kabuuang bilang ng mga nahuling high value individual at 6,269 na mga personalidad na sangkot sa droga.