-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Inaasahan ng Department of Education (DepEd)-Cordillera na tataas pa ang bilang ng mga estudyanteng magpapa-enroll para sa School Year 2019-2020.

Batay sa datus ng Planning Division Office ng DepEd-Cordillera, aabot na sa 90, 233 ang bilang ng mga enrollees mula sa elementarya hanggang senior high school sa rehiyon.

Mula sa nasabing bilang ay 43, 324 ang Senior High School, 21, 662 ang Junior High School at 25, 247 ang elementarya.

Ayon kay Senior Education Program Specialist ng DEPED Cordillera na si Elainne Cabuag, hindi pa naaabot ang puntiryang bilang ng mga estudyante sa rehiyon ngayong school year dahil marami pa ang hindi nakakapag-parehistro.

Muli ay hinikayat ng DepEd ang mga estudyante na magpa-enroll ngayong araw bago sumapit ang unang araw ng klase sa Hunyo 3.