BAGUIO CITY- Tumaas ang bilang ng mga estudyante sa elementarya at sekondarya sa probinsya ng Benguet na papasok sa Lunes para sa school year 2019-2020.
Ito ay mas mataas kung ikumpara noong nakaraang school year 2018-2019.
Ayon kay Bulayo, assistant schools division superintendent ng DepEd-Benguet, sa Lunes ay mahigit 78,400 na estudyante sa elementarya at sekondarya ang papasok sa mga paaralan sa probinsya.
Sinabi niya na mas mataas ito kaysa sa mahigit 77,000 na enrollees noong nakaraang taon.
Gayunpaman, sinabi niya na bumaba ang bilang ng mga enrollees sa elementarya sa mahigit 24, 600 mula sa mahigit 24, 700 noong 2018.
Dagdag niya na ang student to teacher ratio sa rural areas ay isang guro bawat dalawampu’t walo na estudyante habang sa urban areas gaya sa La Trinidad, Benguet ay isang guro bawat 40 na estudyante.