Nakapag-record na ang United Nations Children’s Fund (UNICEF) ng mataas na bilang ng mga kabataang dropout sa klase, kasunod ng muling pagbubukas ng face-to-face classes.
Ilan sa mga ito ay naitala mismo sa Pilipinas.
Batay sa pag-aaral ng US Agency for International Development noong nakaraang taon, tumaas sa 25.2 percent ang bilang out-of-school youth sa ating bansa noong Abril 2020 mula sa 16.9% noong January 2020.
Ayon sa Department of Education (DepEd), nakapagtala sila ng 1.1 milyong estudyanteng hindi nag-enroll para sa school year 2020-2021.
Samantala, tumaas naman sa 27.2 million enrollees ang nairehistro noong Nobyembre 15, 2021, kung saan mas mataas ito ng 3.83% sa 26.2 million enrollees noong school year 2020-2021.
Sa nasabing period kasi ay nagpa-iral ng lockdowns dahil sa COVID-19 surge.
Kasunod nito, maglalabas ang DepEd ng kanilang learning recovery plan upang tugunan ang mga naging problema sa education setup ng ating bansa ngayong panahon ng pandemya.