-- Advertisements --

ZAMBOANGA CITY – Umabot na sa mahigit kumulang 800 na pamilya ang nag-evacuate sa mga evacuation center sa Zamboanga City dahil sa pananalasa ng tropical depression Marilyn.

Kabilang sa mga apektadong barangay ang Tumaga, Pasonanca, Patalon, Bolong.

Sa Barangay Salaan ay may isang bahay ang nasira dahil sa landslide kahapon.

Sa ngayon ay tumigil na ang pag-ulan at humupa na rin ang tubig sa ilog.

May mga ibang pamilya naman ang apektado ng baha na nagsisiuwian na rin sa kani-kanilang bahay.

Samantala, patuloy pa rin ang ginagawang pagsuporta ng gobyerno sa pagbibigay ng food assistance kagaya ng food pack lunch at iba pa para sa mga pamilya na nabiktima ng bagyo.