-- Advertisements --
Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga Filipino na nagtutungo sa ibang bansa para makapagtrabaho.
Base kasi sa pagtataya ng Philippine Statistics Authority (PSA) na noong nakaraang taon lamang ay mayroong 2.16 milyon na mga overseas Filipino workers (OFW).
Mas mataas ito noong 2022 na mayroong estimate na 1.96-milyon.
Ang nasabing survey ay isinagawa ng PSA mula Abril hanggang Setyembre 2023.
May pinakamalaki dito ay ang overseas contract workers na aabot sa 98 percent o katumbas ng 2.12 milyon na mas mataas noong mga nagdaang taon.
Ang nasabing bilang ay nagresulta sa pagtaas ng remittance na natanggap ng gobyerno mula sa mga OFW na umakyat ng 20.8 percent o katumbas ng P238.63 bilyon kumpara sa P197.47-B noong 2022.