-- Advertisements --

Lalo pang tumaas ang bilang ng mga naputukan o nasugatan dahil sa paggamit ng mga paputok, kasabay ng selebrasyon ng pasko.

Batay sa huling tala ng DOH hanggang kahapon, umabot na sa 12 ang bilang ng mga biktima.

Apat na panibagong kaso ang naidagdag hanggang kahapon, mula sa dating walong biktima na naitala noong Sabado.

Dalawa sa mga bagong kaso ay mga lalake na gumamit ng boga at piccolo. Ang mga ito ay may edad na 11 at 17.

Dalawan naman sa mga bagong biktima ay gumamit ng kwitis, isa dito ang lalaki at ang isa ay babae.

Magpapatuloy pa rin ang surveillance na gagawin ng DOH hanggang sa Bagong taon. Kasabay nito ay nananawagan ang ahensiya na tigilan na ang paggamit ng mga paputok at sa halip ay gumamit na lamang ng mga alternatibong pampaingay.