-- Advertisements --
Nadagdagan pa ng 433 health workers ang dinapuan ng coronavirus disease sa bansa dahilan upang umabot na ng 6,932 ang kabuuang bilang nito as of August 29.
Sa pinahuling tala na inilabas ng Department of Health (DOH), nasa 6,148 frontliners na ang gumaling habang 40 ang nasawi.
2,401 dito ang mga nurse, 1,433 naman ang mga doktor, 484 nursing assistants, 304 medical technologists at 138 naman ang radiologic technologists na tinamaan ng deadly virus.
744 ng mga medical workers ang active cases at kasalukuyang naka-quarantine at nagpapagamot.
Halos 500 non-medical personnel tulad ng utility workers, security guards at administrative staff ang nadagdag din sa nasabing talaan.