-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Ipinagmalaki ng Baguio City Police Office (BCPO) ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga index crimes sa Baguio City.
Ayon kay BCPO acting city director Col. Allan Rae Co, batay sa rekord ng pulisya ay doble ang pagbaba ng index crimes sa lungsod noong 2018 kumpara doong 2017.
Aniya, naitala ang 409 na index crimes sa Baguio City noong 2018 mula sa 703 noong 2017.
Ipinaliwanag niya na sa kabuuan ay aabot sa 3,318 na krimen ang naitala sa lungsod noong nakaraang taon, mula sa 3,478 noong 2017.
Karamihan sa mga kasong nangyari sa lunsod ang vehicular traffic accident resulting to damage to property due to reckless imprudence, pangalawa ang physical injury at susunod ang homicide.