-- Advertisements --

Umaabot na sa mahigit 25,000 na pamilya ang na-validate na apektado ng nagdaang bagyong Kabayan o katumbas ng 86,321 na indibidwal.

Ang mga naturang indibidwal ay apektado sa mga malalakas na pag-ulan, pagguho ng lupa, at tuluyang pagbaha dulot ng bagyo,

Batay pa sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, apektado ang mga residente ng Region Central Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, at Caraga sa naturang kalamidad.

Umabot na rin sa 19,601 pamilya o 67,105 na indibidwal ang inilikas at ang iba ay pansamantalang nakitira sa kanilang mga kaanak at mga kapamilya.

Tinitiyak naman ng ahensiya na nakalatag ang tulong na ibibigay sa kanila ng pamahalaan na kinabibilangan ng standby fund na nagkakahalagang P2.6 billion, family food packs, non-food items, at marami pang iba.

Ayon naman sa NDRRMC, patuloy nitong bina-validate ang natanggap na ulat na missing o nawawalang indibidwal sa kasagsagan ng mga pagbaha sa naturang lugar.