-- Advertisements --

Tumaas pa ang bilang ng mga indibidwal na apektdao ng nagdaang bagyong Ferdie, Gener, Helen at hanging habagat sa bansa ayon sa DSWD.

Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na umaabot na sa 356,000 na pamilya o katumbas ng 1.2 milyong indibidwal ang nakaranas ng mga insidente ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Tiniyak rin ng ahensya ang agarang paghahatid ng tulong sa mga LGU na apektado .

Hinimok ng ng DSWD ang lahat na agad na lumikas tuwing may kalamidad upang makaiwas sa anumang di inaasahang disgrasya.