-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine Red Cross na nadagdagan pa ang bilang ng mga indibidwal na kanilang naasistehan ngayong Undas 2024.

Batay sa datos, aabot na sa 2,600 pasyente ang nalapatan nila ng serbisyong medikal.

Ayon sa PRC, nagtayo rin sila ng higit 280 first aid station sa mga sementeryo, mga terminal ng bus, at iba pang lugar para maghatid ng serbisyo sa publiko.

Naka standby diin ang mahigit dalawang libong volunters at staff ng PRC at handang magbigay ng medical aid sa mga indibidwal na magkakaroon ng concern sa kalusugan.

Kaugnay nito ay tiniyak ng PRC na magtatagal ang kanilang team sa mga sementeryo hanggang bukas ,Nobyembre 3.

Inatasan na rin nila ang kanilang team na manatili sa mga bus terminals, highways , at pantalan hanggang matapos ang buong paggunita ng Undas ngayong taon.