KORONADAL CITY – Nadagdagan pa ng ang mga preso sa lock-up cell ng Koronadal City Police Station ang nagpositibo sa COVID-19.
Ito ang kinumpirma mismo ni Dr. Edito Vego, officer-in-charge ng Koronadal City Health Office sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Vego, nagpositibo na rin ang 33 sa 65 mga inmate sa nasabing pasilidad dahil sa pakikisalamuha ng mga ito sa loob ng selda kung saan una nang nagpositibo ang 21 na mga bilanggo.
Dagdag pa ng opisyal, 54 na ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus sa lock-up cell, habang 11 naman sa mga ito ang nagnegatibo.
Nasa stable na kalagayan naman ang mga nagpostibo at ayon kay Vego, hindi sila nakitaan ng anumang major signs of symptoms.
Bukod sa 54 na mga inmates, nagpositibo rin ang dalawang pulis sa naturang selda.
Samantala, isinailalim na ngayon sa treatment ang nabanggit na mga pasyente.