Umabot sa 2.8 million ang kabuuang bilang ng mga international tourists na naitala ng Department of Tourism (DOT) sa unang bahagi ng 2024.
Ito ay 13.7% na mas mataas kumpara sa 2.47 million na naitala noong nakalipas na taon sa parehong taon.
Ayon sa DOT, sinyales ito ng magandang rebound o pagbabalik-sigla ng turismo sa Pilipinas mula sa naging epekto ng pandemya.
Unang nakapagtala ang DOT ng 93% na recovery rate noong 2023 sa ilalim ng international tourism na nagpapakita ng matagumpay na hakbang upang maibalik ang dating sigla ng turismo.
Ngayong 2025 ay ang unang taong anibersaryo sa pagpapatupad ng five-year National Tourism Development Plan, na kinapapalooban ng mga programa para sa full recovery ng bansa.
Samantala, noong nakalipas na taon ay umabot sa kabuuang 5.45 million ang kabuuang international visitor sa Pilipinas. Naitala dito ang P482.54 billion na halaga ng mga resibo mula sa mga bisita.