Kinumpirma ng Philippine Fisheries Development Authority na tumaas ang bilang ng mga isda na naihatid sa mga mamimili noong April 2024.
Ayon sa ahensya, aabot sa 60,000 metric tons ang kabuuang dami nito na na deliver sa mga regional fish ports ng bansa.
Mas mataas ang numeron ito kumpara sa bilang na naitala noong buwan ng Marso ng parehong taon.
Paliwanag ng ahensya, pinakamataas ito na naitala ng kanilang ahensya sa kasaysayan.
Nanguna naman sa port na nakakuha ng positibong trend sa total fish unloading ay ang General Santos Fish Port Complex at Navotas Fish Port Complex.
Batay sa datos, aabot sa 28,000 metric tons at mahigit 23,000 metric tons ang isa na naihatid nito.
Ang iba namang mga fish port ay nakapagtala rin ng pagbawi mula sa dati nilang mga record.