-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang bilang ng mga journalist na nasawi sa Gaza.

Ayon sa Gaza government na kinilala ang mga nasawi na sina Tamim Abu Muammar na nagtatrabaho sa Palestine TV at si Abdullah Maher al-Suwaisi na nagtatrabaho sa Al-Aqsa news channel.

Dahil dito ay mayroong kabuuang 168 na mga journalist na ang nasawi mula ng simulan ng Israel ang paglusob sa Gaza.

Mariing kinondina ng mga Palestinian media ang nasabing pagdami na ng mga nasasawwing mamamahayag.