-- Advertisements --
LA UNION – Malaki ang ibinaba ng bilang ng mga menor de edad at kabataan na hinuli dahil sa kaugnayan sa iligal na droga noong 2019.
Sinabi sa Bombo Radyo La Union ni PDEA Region 1 Information Officer Bismarck Bengwayan, naging 27 na lang na kabataan sa buong rehiyon ang naitalang hinuli dahil sa droga noong 2019 kumpara sa nagdaang mga taon.
Nangangahulugan lamang ito aniya na epektibo ang pinaigting na kampanya ng gobyerno laban sa droga, sa pamamagitan ng pagtutulongan ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) at Phil. National Police (PNP).
Dagdag pa nito na ang nasabing bilang ay isinailalim sa rehabilitation program ng Dept. of Social Welfare and Dev’t. (DSWD) .