-- Advertisements --

Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbaba ng bilang ng mga kabataang mangingisda sa Pilipinas.

Ayon sa 2022 Census of Agriculture and Fisheries ng PSA, nagpapakita ng mas malawak na mga socio-economic na trend sa bansa. Mula kasi noong 2022 ay bumaba sa 1.03 mula sa 1.05 ang bilang ng mga nanatiling mangingisda noong 2012.

Kung saan ay unti-unting lumilihis ang landas ng mga kabataang nag hahanap ng alternatibong kabuhayan na nagdudulot ng pagbabago sa demographic profile ng sektor.

Ilan pa sa mga tinukoy na maaaring dahilan ng pagbabago ay ang mga halimbawa ng maraming kabataang Pilipino ang piniling mag-aral muna o mas pinili ang mas mataas na kita tulad ng pagpasok sa mga retail, manufacturing, at services company.

Isa pa sa mga nakikitang dahilan din ang kakulangan ng experience ng mga kabataan ngayon sa pangingisda kung saan napaulat sa rehiyon ng Zamboanga Peninsula at Caraga ang pagtaas ng datos ng nasa edad 50 pataas ang nagpapakita nang malaking kaalaman sa pangingisda kung saan tumaas ito ng 36.4 percent.

Bagmat hindi pa nakikita ang epekto nito sa sektor ng pangingisda ay maaari naman itong makaapekto sa produksyon ng isda at kabuhayan ng mga komunidad na umaasa lamang sa pangingisda.

Kung magpapatuloy ang trend na ito, maaaring hikayatin ng gobyerno at mga stakeholder sa industriya ang paggawa ng mga bagong polisiya upang maakit ang mga kabataan pabalik sa industriya, posible kasing sa pamamagitan ng modernisasyon, mas magagandang kondisyon ng trabaho, o pagpapalawak ng mga uri ng trabahong may kaugnayan sa pangingisda ay mahikayat ang ibang mga kabataan na piliin ang trabahong ito.