Patuloy pa rin ang pagdami ng bilang ng mga kabataang Pilipino na pasok sa overweight at obese category sa bansa.
Kinumpirma ito sa isinagawang pag-aaral ng Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute.
Batay sa naging pag-aaral, lumalabas na aabot sa 11.6% ang naging overweight at obesity prevalence sa mga Pinoy Teenager noong 2018.
Tumaas naman ito ng halos dalawang porsyento noong 2021 na kung saan umabot ss 13%.
Mas marami rin ang mga lalaki ang obese na pumalo sa 14.8% habang umabot lamang sa 11.3% ang mga kababaihang obese.
Sinabi pa ng Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute, maraming rason kung bakit nagiging obese ang isang teenager.
Kabilang na rito ang kakulangan sa physical activities, sedentary lifestyle, eating pattern o maaaring nagmula sa genes nito.
Hinimok naman ng ahensya ang gobyerno na gumawa ng kaukulang protocol para sa pagkakaroon ng physical program at kaukulang routine.