-- Advertisements --
image 652

Umabot na sa 1,955 ang kabuuang bilang ng mga kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na pinagpapaliwanag ng Commission on Elections dahil sa premature campaigning.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Erwin Garcia, mas marami pa ang inaasahang papadalhan ng show cause order, dahil sa patuloy nilang namomonitor na mga lumalabag.

Umaasa ang COMELEC Chair na bago ang halalan ay makapaglabas na ang buong komisyon ng desisyon ukol sa mga kandidato.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Garcia na 228 pa lamang ang nagsusumite ng kanilang paliwanag/kasagutan.

Babala ng opisyal sa mga kandidato na kung iniisip ng mga kandidato na nagbibiro lamang ang Komisyon, nagkakamali ang mga ito.

Kung sa mga nakalipas na taon ay hindi sila nakasuhan aniya, tiyak nang maghahain ang komisyon ng mga kasyo ngayong halalaan.

Samantala, magsisimula na sa Oktubre-19 ang ang panahon ng pangangampanya para sa BSKE 2023, at magtutuloy-tuloy ito hanggang Oktubre-28.

Ayon kay COMELEC Chair Garcia, imomonitor pa rin ng Komisyon ang kabuuan ng campaign period bilang bahagi ng kanilang pagbabantay sa BSKE 2023.