Tumaas pa ang bilang ng mga kaso ng leptospirosis ang naitala ng Malabon City.
Sa isang pahayag, sinabi ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval, sumampa na sa 49 ang suspected leptospirosis cases ang naitala mula sa iba’t ibang Barangay sa kanilang lungsod mula pa noong nakalipas na buwan ng Hulyo.
Dahil dito muling pinaalalahanan ng alkalde ang mga residente nito na mag doble ingat.
Mas mainam aniya na iwasang lumusong sa baha kapag may mga pag-ulan.
Ang naging pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa naturang lungsod ay tumaas mula nang tumama ang bagyong Carina sa bansa.
Kaugnay nito ay aabot na sa anim na indibidwal ang naiulat na nasawi habang aabot sa pito ang nakarekober sa mula sa naturang sakit
Batay sa datos ng City Epidemiology and Surveillance Unit, 24 na kaso ang patuloy nilang bineberipika habang 12 pasyente ang nananatiling naka admit sa ibat ibang bahay pagamutan o ospital sa Metro Manila.