-- Advertisements --

Patuloy pa rin sa pagbaba sa bilang ng mga POGO related crimes sa lungsod ng Pasay.

Kinumpirma ito mismo ni Pasay Chief of Police P/ Col. Mario Mayames sa isang panayam.

Ayon kay Col. Mario Mayames, siya man mismo ay nag-iikot ikot at naglalatag ng mga hakbang o programa sa mga POGO operator.

Nakikipag kaibigan rin aniya sila sa mga ligal na POGO sa Pasay ng sa gayon ay mas mapabilis ang kanilang monitoring sa mga operasyon nito.

Makabubuti rin aniya kung makukuha nila ang tiwala ng mga legal na POGO operators upang hindi sila magdalawang isip na ireport sa kanilang kung may banta sa kanilang buhay.