-- Advertisements --

BAGUIO CITY-Patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga krimeng nangyayari sa Baguio City.

Batay sa rekord ng Baguio City Police Office (BCPO), naitala ang 177 na bilang ng krimen sa lungsod mula Enero hanggang sa ikalawang linggo ng Marso.

Mas mababa ito ng 24.7 percent kumpara sa 716 na kaso sa Baguio City sa kaparehong mga buwan noong 2018.

Ayon sa BCPO, pangunahing bumaba ang mga index crimes maliban lamang sa mga kaso ng homicide at murder na tumaas ng isang porsiyento.

Kumpiyansa ang BCPO na lalo pang bababa ang bilang ng krimen na mangyayari sa Baguio City sa mga susunod na buwan.