-- Advertisements --

Tumaas ang bilang ng mga kumuha ng life insurance ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa Insurance Commission (IC) na mayroong 5.9 percent ang pagtaas o katumbas ng P247.7 billion ang itinaas noong 2020 mula sa dating P233.9 billion noong 2019.

Sinabi pa ni Insurance Commissioner Dennis Funa na lumakas din ang premiums na naiipon ng tradisyunal na lif policies ng 1.1 percent mula sa dating P63.8 billion noong 2019 ay naging P64.5 billion noong 2020.

Dagdag pa ni Funa na nakikita ng mga tao ang kahalagahan ng pagkuha ng life insurance para magbigay ng seguridad at kapanatagan ng loob na dulot ng COVID-19 pandemic.