VIGAN CITY – Madadagdagan pa umano ang bilang ng mga lugar na posibleng maideklarang “areas of concern†sa buong bansa, depende sa validation na isasagawa ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang naging pagtitiyak ng Commission on Elections (Comelec) habang papalapit ang araw ng halalan sa May 13.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na ang mga lugar na idedeklarang “areas of concern†ay ang mga lugar kung saan mainit ang tunggalian sa pulitika at mga lugar kung saan maaaring magkaroon ng karahasan na may kaugnayan sa nalalapit na halalan.
Maliban pa dito, posibleng mayroon pang maisailalim din sa Comelec control, ngunit hindi na idinetalye pang maigi ang nasabing impormasyon.
Ipinaliwanag nito na ang pagsasailalim sa Comelec control ng isang lugar ay kinakailangang manggaling sa mga local election officer at mga law enforcement agency sa lugar na ipapasa at dedesisyunan ng Comelec en banc.