Pumalo na sa kabuuang 21 na lugar sa bansa ang nagdeklara ng State of Calamity dahil sa malawakang pagkalat ng oil spill sa kanilang mga lugar dulot nang lumubog na MT Terranova sa Limay, Bataan.
Ito ang kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong araw.
Batay sa datos ng ahensya, abot sa 12 munisipyo at lungsod sa lalawigan ng Bataan ang isinailalim na sa state of calamity.
Pitong munisipyo naman at dalawang lungsod ang nagdeklara na rin ng state of calamity .
Kinabibilangan ito ng Bacoor City , Cavite City, Kawit, Noveleta, Rosario, Tanza, Naic, Maragondon at Ternate.
Tumaas naman sa higit 25k ang bilang ng mga mangingisda na apektado ng pagkalat ng langis sa Calabarzon.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang pamamahagi ng gobyerno ng kabuuang tulong sa mga apektado mangingisda sa mga natukoy na lugar.