-- Advertisements --

Nag-abiso na ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) hinggil sa posibilidad na madagdagan pa ang bilang ng mga lugar na makakaranas ng labis na tagtuyot ngayong panahon ng tag-init.

Inamin ni Pagasa climate monitoring chief Analiza Solis, na posibleng dumoble hanggang 10 ang bilang ng mga lugar na makakaranas ng mababang tsansa ng ulan sa susunod na limang buwan.

Sa kasalukuyan nakakaranas umano ng labis na tagtuyot ang Ilocos Norte, Zamboanga Del Sur, Zamboanga Sibugay, Maguindanao at Cebu.

Nauna ng sinabi ng Pagasa na El Niño ang sanhi ng mga nararanasang tagtuyot sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Tiniyak na rin noon ng Department of Agriculture na may nakahandang programa ang kagawaran para sa mga magsasakang maaapektuhan ng El Niño.