-- Advertisements --
image 410

Umabot nsa sa 26.8 million ang bilang ng mga mag-aaral sa SY 2023-2024, ayon sa Department of Education(DepEd).

Ito ay mula sa dating 26.5 million na naitala sa pagsisimula ng linggong ito.

Ayon sa DepEd, patuloy pa ring nadadagdagan ang bilang ng mga mag-aaral, dahil sa pagtanggap nito ng mga late enrollees, na magpapatuloy pa hanggang sa katapusan ng kasalukuyang buwan.

Sa likod nito, aminado ang DepEd na malayo pa rin itong mas mababa kaysa sa target na 28million sa pagbubukas ng panibagong SY.

Gayonpaman, tiniyak naman ng kagawaran na patuloy pa rin nilang tututukan ang mga late enrolles.

Katwiran ng DepEd, maaring naapektuhan ang mga bata sa ibat ibang mga kadahilanan, katulad ng mga magkakasunod na bagyo at hanggang ngayon ay malalakas na pag-ulan sa ibat ibang bahagi ng bansa.