Umabot na sa 3,679 farmers ang nakumpirmang apektado sa pananalasa ng supertyphoon Egay, at mga pag-ulang dulot ng Habagat sa buong bansa.
Ito ay batay sa pinakahuling datus na hawak ng Department of Agriculture Disaster Risk Reduction and Management Operations Center.
kabuuang 4, 315 hectares ng ibat ibang mga pananim naman ang naapektuhan, kasama na ang nagpapatuloy na pagbaha sa malaking bahagi ng Northern Luzon.
Ang naturang dayos ay tinatayang binubuo ng hanggang sa 2,035.4 metriko tonelada ng mga palay, mais, at mga HVCC.
Pinakamalaki dito ay ang mga palayan na umaabot sa 3,050 ha, habang 1,265 ha naman sa maisan.
Umabot rin sa 112 na mga hayop na kinabibilangan ng mga baboy, kalabaw, at mga baka ang naitalang namatay.
Sa kasalukuyan ay umaabot na sa P62Million ang na-validate na halaga ng danyos sa sektor ng pagsasaka, at asahang lalo pa itong tataas sa mga susunod na araw habang nagpapatuloy ang ginagawang validation.