-- Advertisements --

Mas tumaas pa ang bilang ng mga mahihirap sa Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa lumabas na survey ng Social Weather Stations (SWS) na mayroong 16.8 percent o katumbas ng 4.2 milyon na pamilya ang nakaranas ng pagkagutom.

Makikita rito ang mayroong 20.7 percent o 1.2 milyon pamilya sa Mindanao, 16.3 percent o katumbas ng 776,000 pamilya sa Visayas at 15.7 percent o mayroong 1.8 milyong pamilya naman sa balance Luzon at 14.7 percent o 496,000 pamilya sa Metro Manila.

Ayon sa SWS ang 16.8 percent na poverty rate noong Mayo 2021 ay kumbinasyon ng 14.1 percent o mayroong 3.6 milyon pamilya ang nakaranas ng “moderate hunger” at 2.7 percent o katumbas ng 674,000 pamilya ang nakaranas ng “severe hunger”.