Ipinagmalaki ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mataas na bilang ng mga mahihirap na senior na nakinabang sa mas mataas na social pension ngayong 2024.
Sa unang kalahating bahagi ng 2024, umabot na sa 3.7 milyong mahihirap na senior ang nakinabang sa naturang programa kung saan naabutan ang mga ito ng pensyon na may kabuuang halaga na P21.8 billion.
Ang malaking pondo ay dahil na rin sa mas mataas na pensyon ng mga ito kung saan dinoble ito ngayong taon.
Maalalang ang dating buwanang pensyon na P500 na natatanggap ng mga senior ay ginawa nang P1,000.
Ang mga ito ay natatanggap ng mga mahihirap na senior bilang social benefits sa ilalim ng DSWD.
Ang mga miyembro ng nakakatandang populasyon na maaaring makatanggap ng naturang benepisyo ay ang mga may karamdaman, walang permanenteng mapagkakakitaan, walang regular na natatanggap na suporta mula sa mga kaanak, at walang ibang pensyon na natatanggap.