Iniulat ng Philippine Statistics Authority ang lalo pang pagbaba ng bilang ng mga manggagawa sa sektor ng pagsasaka, batay sa isinagawa nitong June 2024 survey.
Lumalabas sa pag-aaral ng ahensya na 916,000 agriculture at forestry workers ang umalis o nawala sa mga naturang sektor hanggang nitong Hunyo.
Sa fishing at aquaculture sector, nawawalan ito ng 81,000 workers taon-taon.
Natukoy ng ahensiya na malaking bilang ng mga naturang manggagawa ay umalis sa kasagsagan ng El Nino ngayong taon.
Marami rin sa kanila ang umano’y tuluyang umalis kasunod na rin ng Executive Order 62 ni PBBM na nagpapababa sa taripa ng inaangkat na bigas.
Ayon pa sa PSA, nakita ang direktang epekto nito sa iba’t-ibang industriya na nasa ilalim ng pagsasaka.
Kinabibilangan ito ng rice industry, hog industry, atbpa.
Ang naturang problema ay sa kabila ng pag-pokus ng Marcos administration sa sektor ng pagsasaka, kasabay ng mas malaking budget at mas maraming assistance para sa mga magsasaka ng bansa.