Dagupan City-Ikinababahala ng ilang grupo ang bilang ng mga naabusong kababaihan kada araw sa bansa.
Ayon kay Atty. Virginia Lacsa-Suarez, Secretary General ng grupong Kilusan para sa Pambansang Demokrasya, base sa latest statistics, 4 out of 5 na kababaihan ang nakararanas ng iba’t-ibang uri ng pang aabuso araw-araw sa bansa habang sa buong mundo naman, every 15 seconds isang babae ang naaabuso sexually, psychologically, economically and verbally.
Nalulungkot ito dahil sa komunidad na ginagalawan ng mga kababaihan maging sa sarili nitong tahanan ay nakararanas ito ng iba’t-ibang uri ng pang aabuso.
Aniya, hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang bawat kwento ng nararanasang pangmamaltrato o dinaranas na pang aaabuso ng mga kababaihan maging ng mga babaeng kabataan sa ating lipunan kung kayat nararapat lamang na maging mapagmatyag ang bawat isa at huwag na lamang manahimik.
Giit ng opisyal, kung minsan ay nagkakaroon ng tinatawag na ‘battered wife syndrome’ kung saan ang isang babae ay umaabot na sa puntong nagkakaroon na ito ng problema sa pag iisip. Ibig sabihin, iniisip na nito na kaya siya nagulpi dahil kasalanan niya at nangyayari ito bunsod ng paulit-ulit na pang mamalatrato.