CENTRAL MINDANAO – Umaabot na sa mahigit 36,000 na mga kababaihan ang nabuntis ngayong panahon ng pandemic sa probinsya ng Cotabato.
Ito ang kinympirma ni Integrated Provincial Health Office (IPHO North Catabato) chief Dra. Eva Rabaya ngayong taon.
Tumaas ng bahagya ang bilang kung ikukumpara sa 35,000 noong 2019 sa kaparehong panahon.
Patuloy din naman ang information education campaign ng IPHO kasabay ng isinasagawang serbisyo caravan sa mga malalayong barangay ng probinsya.
Layon nito na maituro sa mga ina ang tamang pangangalaga sa kanilang kalusugan habang nagbubuntis.
Ayon sa IPHO, ilan sa mga dahilan ng mataas na pregnancy rate ngayong pandemic ay dahil marami ang nagsiuwian at napilitang manatili sa kanilang mga tahanan habang umiiral ang community quarantine.
Samantala, tumaas din sa 13 ang bilang ng maternal death sa lalawigan ngayong taon.
Mas mataas ng bahagya sa 10 kaso nitong nakalipas na taon.