-- Advertisements --
Bumaba ang mga nag-aalaga ng baboy sa bansa dahil sa banta ng African Swine Fever o ASF.
Sinabi ni Bureau of Animal Industry (BAI) director Ronnie Domingo, mayroong 20% na pagbaba ang kanilang naitala ngayong taon.
Mayroong ibang mga piggeryo owner ay maagang ibinebenta ang kanilang alagang baboy para maiwasan na ito ay hawaan ng sakit.
Ang Central Luzon at Southern Tagalog aniya ang itinuturing nitong matiding tinamaan ng ASF.