-- Advertisements --

Umabot sa kabuuang 43,033 aspirants ang naghain ng certificate of candidacy(COC) at certificate of nomination – certificate of acceptance of nomination (CON-CANs) mula Oct 1 hanggang Oct. 8.

Ang naturang bilang ay ang pinagsamang kandidato kapwa sa local at national positions.

Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, 33,652 rito ay pawang mga lalake. Ito ay katumbas ng 78.20%.

Kabuuang 9,381 naman ang mga babae o katumbas lamang ng 21%.

Dahil sa pag-aaralan pa ang naturang listahan para sa deklarasyon at tuluyang pagkakatanggal ng mga nuisance candidate, tiyak aniyang bababa pa ito.

Target ng Comelec na mailabas ang final list kapwa sa local at national level pagsapit ng Disyembre.