-- Advertisements --
Aminado ang Commission on Elections (Comelec) na mas maraming pumalyang vote counting machine (VCM) ngayong halalan kumpara sa presidential elections noong 2016.
Ayon kay Comelec Commissioner Marlon Casquejo, sa isinagawang press conference ngayong araw, aabot daw sa 961 ang pumalyang VCM sa katatapos na halalan o 1.1 percent sa kabuuang mahigit 85,000 na makina.
Noong 2016, aabot lamang sa 801 Ang pumalya sa mahigit 92,000 na VCM.
Mas marami rin ang nagkaaberyang SD o memory card ngayong halalan na aabot sa 1,665 kumpara sa 120 na nasira noong nakaraang halalan.
Aminado naman si Casquejo na apektado ng bidding ang mababang quality ng mga SD cards.
Kailangan na rin umanong ma-upgrade ang mga VCM na ginamit pa noong 2016 polls.