-- Advertisements --
Tumaas ang bilang ng mga reklamo laban sa credit-card companies sa bansa.
Ayon sa Credit Card Association of the Philippines (CCAP) na sa ikalawang quarter lamang ng taon ay mayroong pagtaas ng 45 percent o katumbas na 4,161 na bilang ng reklamo ang kanilang natanggap.
Kung ikukumpara noong nakaraang taon ay mayroong 37.2 percent ang pagtaas sa second quarter ng 2023 habang ngayon ay mayroong 55.5 percent ang pagtaas.
Sinabi pa ni CCAP executive director Alex Ilagan, na karamihang mga reklamo ay tungkol sa credit card management at customer service.
Nanguna ang account management na sinundan ng reklamo rin sa interest rates, fees at mga charges ganun din ang mga paglagbas ng mga hind otorisadong online transactions.