-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nadagdagan pa ang lugar at bilang mga residente sa Davao de Oro na nagsilikas dahil sa nararanasan na mga pag-ulan dulot ng Bagyong Dante.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), isinagawa ang Pre-Emptive Evacuation sa Purok 7, Barangay Basak kanina dahil sa pagtaas ng tubig dala ng Bagyong Dante.

Pinagunahan ng Nabunturan Emergency Response Team ang pag-responde sa lugar kung saan nailikas nila ang 37 mga pamilya at 143 indibidwal sa nasabing barangay.

Agad naman na binigyan ng NERT ng mga face shield at face mask para matiyak na masusunod ang Minimum Standard Health Protocol laban COVID-19.

Patuloy ngayom ang ginagawang monitoring ng Mdrrmo Nabunturan lalo na sa mga lugar na delikado sa landslide at mga pagbaha lalo na ngayon na patuloy ang nararanasan na pag-ulan sa lalawigan.