-- Advertisements --

Tumaas ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakararanas ng gutom noong huling quarter ng taong 2024.

Ito ay batay sa datos na inilabas ng Social Weather Stations na isinagawa mula December 12 hanggang December 18 noong nakalipas na taon.

Batay sa survey, nakararanas ang mga ito ng involuntary hunger kabilang na ang pagkagutom at kawalan ng pagkain na makakain.

Nagpapakita ang datos ng 25.9 percent ng mga pamilyang Pilipino ang nakaranas ng involuntary hunger.

Ito ay mas mataas ng tatlong puntos mula sa 22.9 percent na naitala sa ikatlong kwarter ng taong 2024.

Pinakamataas rin ito na hunger rate mula noong September 2020 na kasagsagan ng Covid-19 lockdowns na umabot sa 30.7 percent.