-- Advertisements --

Maituturing na umanong pahupa ang epekto ng tigdas sa bansa.

Ayon kay Department of Health (DoH) Sec. Francisco Duque III, bahagyang bumagal na raw ang pagdami ng mga nahahawa ng tigdas bagamat nananatili pa rin ang measles outbreak sa bansa.

Dagdag pa ni Duque, nananatili pa ring banta sa kalusugan ng publiko ang tigdas.

Kasabay nito, sinabi ng kalihim na naabot na nila ang kanilang target na mabakunahan ang higit sa tatlong milyong mga bata.

Sa pinakahuling data ng DoH, umabot sa 16,000 ang mga nahawa ng tigdas.