-- Advertisements --

Umabot na sa 36 election protest ang natatanggap ng Commission on Election (Comelec) mahigit dalawang linggo matapos ang May 13, 2019 national at local election.

Ayon sa Electoral Contests Adjudication Department ng Comelec, ang nasabing datos ay nakalap mula noong araw ng proklamasyon ng mga nanalong kandidato hanggang kahapon.

Ayon naman sa Comelec, lahat ng mga reklamo kaugnay ng katatapos na halalan ay kanilang binibigyan ng pagkakataong madinig at mapag-aralan.

Katunayan, sa kasalukuyan ay marami na ang dinidinig ng Comelec en banc na mga naihaing reklamo mula sa iba’t ibang partido at indibidwal.

Nauna ng sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na inaasahan na nila ang ganitong sitwasyon tuwing natatapos ang pagdaos ng halalan.