Tumaas ang bilang ng mga bumili ng sasakyan sa bansa nitong buwan ng Nobyembre.
Base sa datos ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association (TMA) na mayroong pagtaas ng 8.5 percent na pagtaas.
Umabot sa 40,898 na mga units ang naibenta na ito ay mas mataas kumpara noong nakaraang taon sa parehas na buwan na mayroong 37,683 units.
Mayroon ding pagtaas ang buwan ng Nobyembre sa mga naibentang sasakyan ng 2.2 percent mula sa dating 40,000 ng nakaraang Oktubre.
May pagtaas ang pampasaherong sasakyan ng 2.8 percent o 9,836 units mula sa 9,569 units ng nakaraang taon.
Habang ang mga commercial na sasakyan ay tumaas ng 10.5 percent na mayroong 31,062 units ang naibenta noong Nobyembre mula sa 28,114 units sa parehas na buwan.