-- Advertisements --

Nagtala ang automotive industry ng bansa ng record-high sales noong nakaraang taon.

Ayon sa datos ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at ang Truck Manufacturers Association (TMA) na mayroong kabuuang 467, 252 units ang naibenta.

Ang nasabing bilang ay mas mataas kumpara noong 2023 na mayroong 429,807 units.

Sinabi ni CAMPI president Rommel Gutierrez na ang magandang resulta noong Disyembre ay nagpapatunay ng patuloy na paglakas ng mga industriya.

Ang mga pampasaherong sasakyan kasi na naibenta ay tumaas ng 10.5 percent o katumbas ng 120,770 units noong 2024 mula sa 109,264 units noong nakaraang 2023.

Habang ang commercial na sasakyan ay umakyat ng mahigit walong porsyento na 346,482 units noong 2024 kumpara sa 320,543 units noong 2023.

Umaasa ang grupo na ngayon taon ay mas magiging mataas ang bilang ng mga sasakyan na kanilang maibebenta.