-- Advertisements --

paeng 1

Umabot pa sa 160 ang bilang ng mga namatay dahil sa bagyong Paeng base sa inilabas na talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa nasabing bilang, 132 ang nakumpirmang patay habang 28 ang “for validation”.

Nasa 29 na rin ang bilang ng na-missing kung saan 19 ang confirmed habang 10 ang “for validation”.

Ang mga nasugatan ay nanatili sa 146, kung saan 108 ang kumpirmado at 38 ang for validation.

Sinabi rin ng NDRRMC na 1,357,807 pamilya o 5,410,102 indibidwal ang naapektuhan ng Paeng sa 17 rehiyon, 74 probinsya, 834 lungsod/munisipyo, at 10,056 barangay.

Dagdag pa nito na ang tinatayang halaga ng pinsala sa imprastraktura ay umabot sa P5,435,525,437.88 habang ang tinatayang pinsala sa agrikultura ay nasa P6,397,456,211.6053.

Top