-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Lalo pang lomobo ang bilang ng mga biktima na namatay dahil sa dengue sa Rehiyon 10.

Base sa data, mula buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyang buwan ay nasa halos 17,000 na ang tinamaan ng dengue ang naitatala sa rehiyon kung saan 68 na ang namatay.

Dahil dito, nagpasaklolo na ang DOH-10 sa mga local gov’t unit o LGU na tulungan sila sa kanilang kampanya na labanan ang nakamamatay na sakit.

Sinabi ni DOH-10 asst. regional director Dr. Dave Mendoza na kinakailangan ng gumawa ng inisyatiba ang LGU sa pamamagitan ng pagbibigay ng parusa sa mga residente na hindi maglilinis ng kanilang mga bakuran.

Naniniwala si Mendoza na ang sabay-sabay na paglilinis ng lahat tuwing alas-4:00 ng hapon kada araw ay mabisang paraan upang matugunan ang lumalalang problema sa dengue.