Umabot na sa 117,371 influenza-like illness (ILI) ang kabuuang naitala ang Department of Health mula noong Enero hanggang sa kasalukuyan.
Mula sa mahigit 117,000 umabot na rin sa 126 ang kabuuang bilang ng mga namatay hanggang nitong kalagitnaan ng Setyembre.
Sa kabila nito ay sinabi ng DOH na mas mababa pa rin ang bilang ng mga naitalang kaso ng ILI ngayong taon kumpara sa nakalipas na taon, sa kaparehong period.
Umabot kasi sa 137,980 ang kabuuang naitala sa unang siyam na buwan noong nakalipas na taon.
Mas mababa rin umano ang bilang ng mga nasawi ngayong taon kumpara sa nakalipas na taon na umabot sa 142.
Muli namang nagpaalala ang DOH sa publiko na ugaliing maghugas ng kamay, magsuot ng facemask sa mga matataong lugar, at magpabakuna.
Ayon mga ito, ayon kay DOH Secretary Teodoro J. Herbosa, ay makakatulong upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.