-- Advertisements --
Umakyat pa sa 126 ang bilang ng mga nasawi sa landslide sa Baybay City, Leyte matapos manalasa ang bagyong Agaton.
Samantala, nasa 66 katao pa rin ang patuloy na pinaghahanap sa nangyaring trahedya.
Naging pahirapan ang retrieval operations sa Barangay Kantagnos dahil hindi pa madaanan ang kalsada nito.
Nasa 700 pamilya naman ang kasalukuyang nasa evacuation centers matapos ang hindi na puwedeng tirhan ang pinangyarihan ng landslide.
May natukoy naman na mga lugar ang lokal na pamahalaan upang gawan ng temporary shelter para sa mga apektadong pamilya.